Monday, November 25, 2024

Balik Pasada: Sasakyan mo, Handa na ba?

Balik Pasada: Sasakyan mo, Handa na ba?

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Balik Pasada: Sasakyan mo, Handa na ba?

Simula ng ipinatupad ng gobyerno ang mga strict community quarantine guideline sa bansa, libo-libong buhay ng mga Pilipino ang tumigil din para lang maging ligtas sa nakahahawang COVID-19 virus.

Anim na buwan na ang lumipas at ngayon, unti-unti nang lumuluwag ang quarantine guidelines at ang ilan, balik-trabaho narin. Kaya naman, balik-pasada narin ang dyip, bus, tricycle, at iba pang pampublikong sasakyang pinapayagan na ng awtoridad na muling bumiyahe.

Kaya naman, para sa mga drayber, ang tanong, handa naba ang iyong sasakyan para sa pag babalik-biyahe?

Narito ang ilang tips mula sa Prestone Philippines, ang nangungunang tagagawa ng cutting-edge coolants at brake fluids sa bansa, kung paano nga ba mapapanatili ang inyong sasakyan at ang mga kailangang tignan para maging handa at safe para sa pagbabalik pasada:

Tingnan kung kailangan ng bagong baterya. Humihina ang baterya ng kotse habang lumilipas ang panahon, lalona kung hindi ito nagagamit ng matagal. Para maiwasan ito, siguraduhin na bago ang baterya ng iyong sasakyan bago gamitin.Isa pang paraan para maiwasan ang pagkasira ng baterya ay ang pagmamaneho ng iyong sasakyan kahi isang beses sa isang lingo.

Siguraduhing may hangin ang gulong. Kagaya ng baterya, kapag ang sasakyan ay di nagagamit nang mahabang panahon, ang mga gulong ay nawawalan din ng hangin at pressure namagiging sanhi ng pagka-flat nito.

Para maiwasan ang flat nagulong, siguraduhing ilabas ninyo ang inyong sasakyan para pahanginan ang gulong sa pinakamalapit na talyer o gas station. Nakatutulong din ang minsanang paggamit ng sasakyan sa pagpapanatili nang matibay na gulong.

Bagong lagay ng gasolina. Huwag na huwag ninyong gagamitin ang sasakyan na may gasolina na ilang buwan nang naimbak sa loob ng gas tank lalo na sa pangmatagalang biyahe. Ang gasolinang matagal nang di nagamit ay nagkakaroon ng singaw na maaaring maging delikado para gamitin. Para maiwasan ito, siguraduhin na bagong lagay na gasolina ang karga ng iyong sasakyan bago gamitin sa biyahe.

Panatilihin ang mga fluids ng sasakyan. Kapag matagal nang di nagagamit ang sasakyan, ang fluids nito, kagaya ng langis, coolants, at brake fluid, ay nanunuyo at maaring maging sanhi ng pagkasira ng sasakyan. Nakatutulong para maiwasan ang panunuyo ng mga fluids kung nagagamit ang sasakyan kahit isang beses sa isang linggo lalo n angayong quarantine pero, kung naka-standby lang ang sasakyan ng ilang buwan, kailangang mag-top-upnang muli ng bagong fluids.

Tiyakin na Authentic. Mag-ingat din sa mga produkto na ginagamit ninyo sa inyong sasakyan, lalo na ang mga brake fluid na nabili niyo ng mura pero, paso o counterfeit pala. Maaring ang mga brake fluid na nabibili ninyosa ay peke at makakasira sa inyong sasakyan.

Ang paggamit ng pekeng brake fluid ay maaaring mapanganib, di lamang sa iyong sasakyan, pati narin sa kaligtasan mo at ng iyong mga pasahero dahil maaring masira ang makina nito sa dahil baka mag-overheat o kaya naman ay mawalan ng prenong pwedeng maging sanhi ng aksidente.

Ayon kay Paolo Lao, marketing direktor ng Prestone Philippines, para malaman ang authenticity na brake fluid, tignan nang maigi ang mga detalye na nakadikit sa produkto para sa mga maling spelling. Siguraduhin ding mayroon itong PS mark o ICC sticker na inisyu ng Bureau of Product Standards ng Pilipinas. Karamihan ng mga counterfeit product ay naka-900ml packaging.

Mag-ingat din sa mga nagbebenta ng brake fluid na hindi niyo alam kung saan ang pinagmulan ng kanyang ibinebenta at sa mga presyong ka duda-duda kumpara sa orihinal na presyo. Ayon kay Lao, mas importante ang ganda at husay ng isang produkto upang maging ligtas gamitin ang sasakyan kaysa sa mura pero, pangit ang quality at pwedeng maging mapanganib.

“Sinisiguro ng Prestone na ang mga produktong ginagawa namin ay high-quality. Maraming nagsisilabasan ngayong mga drayber at pampublikong sasakyan para maghanap-buhay kaya naman, mahalagang siguradong ang sasakyan ay na sa magandang kondisyon gamit ang authentic na brake fluids,” Sabini Lao.

Para sa iba pang impormasyon tungkol s aPrestone, bisitahin ang kanilang website, https://www.prestone.com.ph/ at i-follow ang kanilang Facebook page, Prestone Philippines.